Nagmamahal

Hi D

Pasensya na kung dito kita susulutan. Hindi ko na kasi alam kung saan ka na. Ano ba ang hitsura mo ngayon? Lumiit ka ba o tumangkad? Tumaba o pumayat? Umitim o pumuti? Ang alala ko lang ay kahawig mo si Marvin Agustin at laging may dala ka na chocolate (toblerone lang ang naalala ko). Medyo strikta ang nanay mo pero never mo nakita mama ko. Kasi nagwowork siya at ganun din si Papa.

Di ko to sinisabi kahit kanino pero di ko alam kung mangyayari. Kahit siguro na di kita makita basta alam ko okay ka (masaya na ako). Minsan may kabaliwan din ako akalain mo gusto ko ipahanap ka sa Social Media (Instagram, Facebook you name it).

Sigurado maraming magloloko sa akin kung ginawa ko yun. Sa totoo lang natatakot ako pero sabi ko sa sarili ko. Di na lang kita hahanapin o hihintayin. Bahala na kung makikita kita o hindi. Pero isa lang sigurado, ikaw ang una nag paramdam na having a crush is worth it.

Nagmamahal

Janille

 

Advertisements